CAMP DANGWA, Benguet - Sinunog ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) regional office ang mahigit P6.9-milyon halaga ng mga ilegal na droga na ginamit na ebidensiya sa korte, sa Camp Bado Dangwa sa La Trinidad, Benguet nitong Biyernes.

Ang mga drug evidence ay mula sa 157 kasong nadesisyunan na ng Regional Trial Court (RTC) Branch 61 sa Baguio City, at may kabuuang 134,000 gramo ng kumpiskadong dangerous drugs at 133,235 gramo ng marijuana bricks.

Pinangunahan nina Chief Supt. Ulysses Abellera, regional director ng PROCOR; PDEA Regional Director Juvenal Azurin; La Trinidad Mayor Edna Tabanda; at ng mga kinatawan ng RTC ang pagsunog sa mga ilegal na droga.

Kaugnay nito, hindi ikinaila ni Abellera na dismayado siya sa kakaunting kaso ng illegal drugs na nahahatulan ang mga akusado. (Rizaldy Comanda)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?