SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Agad na namatay ang isang 56-anyos na welder makaraan siyang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang salarin habang abala siya sa pagsasaayos ng puntod sa sementeryo, nitong Oktubre 30.

Kinilala ni San Isidro Police Chief, Senior Insp. Steve Dela Cruz ang biktima na si Rodolfo Casino y De Jesus, ng Intramuros Street, Barangay Poblacion, San Isidro.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Billy Clemente, dakong 4:00 ng hapon at abala si Casino sa paglilinis sa puntod ng pamilya Perez nang biglang dumating ang salarin, na nakatakip ng malaking panyo ang mukha at nakasuot ng bullcap, at malapitang binaril ang biktima. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?