WEST WARWICK, Rhode Island (AP) — Parehong-pareho, ayon sa mga survivor at naulila ng mga biktima, ang nangyari sa nasunog na nightclub sa Rhode Island ilang dekada na ang nakalipas sa trahedyang nangyari nitong Sabado sa Bucharest sa Romania.

Dalawampu’t pito ang nasawi sa pagkasunog ng nightclub sa Bucharest.

Ang sunog sa Station nightclub, isa sa pinakamalagim na trahedya sa mga nightclub sa kasaysayan ng U.S., ay nagsimula sa pyrotechnics sa kasagsagan ng concert ng Great White. Umabot sa 100 katao ang namatay at 230 ang nasugatan.

“It’s so very similar. It makes me sad,” ayon kay Claire Bruyere ng Warwick, na ang 27-anyos na anak na si Bonnie Hamelin ay namatay noong 2003 dahil sa sunog sa Station nightclub West Warwick.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'