Isinusulong ni Rep. Lucy T. Gomez (4th District, Leyte) ang sistematikong pagnunumero ng mga bahay at gusali sa bansa na magsisilbing postal address ng mga residential unit at business establishment at makatulong sa peace and order.

Ang House Bill No. 6149 o “Philippine Numbering of Houses and Buildings Act of 2015” ay nakabimbin ngayon sa Committee on Local Government. Nakasaad dito na ang lahat ng mga nakatayo nang bahay at gusali o mga itatayo pa lamang sa tabi ng mga kalsada, eskinita o saanmang lugar na sakop ng bawat barangay ay dapat lagyan ng numero alinsunod sa ibinigay na plano.

Magiging trabaho ng Municipal o City Engineer na magtalaga ng numero sa bawat bahay o gusali batay sa sistema at planong pinagtibay ng kanyang opisina. (Bert de Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens