Ibinuking ng hunk actor na si Ron Angeles na marami pa umano ang hindi lumilitaw na biktima sa likod ng kumalat na video scandal.
Isa si Ron sa binansagang "Big Four" o apat na aktor na nasangkot sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalat ng maselang video sa social media, na pinagpipiyestahan at pinagkakakitaan pa.
Sa latest episode kasi ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, binanggit ni Ron ang nagtulak sa kaniya para magsalita tungkol sa nasabing isyu.
Aniya, “Kung ako ang tatanungin, ayaw ko nang pag-usapan ‘yan. Gusto ko na rin siyang hayaan na lang. Katulad nga ng sinasabi nila, ‘Hayaan mo na isyu lang ‘yan. Mawawala rin ‘yan.’ Gano’n ‘yong lagi kong naririnig.”
“Pero no’ng naisip ko rin naman na parang kung walang magsasalita rito, kung walang lalaban, marami at marami pa ang mabibiktima,” dugtong pa ni Ron.
Kaya naman kinasangkapan niya ang mapait na naranasan upang mapigilan ang maling ginagawa ng mga indibidwal na nasa likod nito.
“Kasi sa mga information na nalaman ko, more than 50 na kaming nabiktima nila. ‘Yon ang sabi and matagal na nila ‘tong ginagawa. So ako, no’ng nalaman ko ‘yon, do’n ko parang naisip na gamitin ko na kung anong nangyari sa akin,” saad ni Ron.
Matatandaang nagsampa na kamakailan ng reklamo si Ron laban sa mga indibidwal na nasa likod ng pagpapakalat ng maselang video niya.
Maki-Balita: May sindikato! Ron Angeles, nagsampa ng reklamo laban sa mga nagpakalat ng sex video