STO. TOMAS, Batangas – Inabutan pa ng awtoridad na nakasabit sa ilalim ng bus ang bangkay ng isang lalaki, at isa pa ang namatay matapos umanong mabundol ng naturang sasakyan sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joffer Placido, 34; at Resbel Sarmiento, 28 anyos.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:40 ng umaga nitong Oktubre 25, tumatawid ang mga biktima sa Daang Maharlika Highway, na sakop ng Barangay San Rafael, nang masagasaan sila ng bus.

Tumakas ang driver ng pampasaherong DLTB Co. bus na nakilalang sa pangalang N. Dol, habang nasa kostudiya ng pulisya ang 43-anyos na kundoktor na si Robert Tumbago. (LYKA MANALO)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol