NAPAPANOOD na ang bagong Bea Bianca, ang sumikat na third party character na ginampanan ni Vanessa del Bianco sa unang Pangako Sa ‘Yo, walang iba kundi si Sarah Carlos. Siya ang makakaagaw ni Yna (Kathryn Bernardo) kay Angelo (Daniel Padilla).

Schoolmate sina Bea at Yna hanggang sa lagi silang magkasama  at kalauna’y naging magkaibigan.

Ayon kay Kathryn, wala siyang nakikitang pagkailang sa baguhang artista. Sinusuportahan niya  si Sarah sa bawat eksena nilang dalawa. Ito kasi ang first project ni Sarah, kaya’t inaalalayan nila ito sa mga eksena nila. 

“Okay siya and gina-guide namin siya kasi first time niya mag-taping, so medyo naninibago pa siya,” sabi ni Kathryn. “Pero open kasi si Sarah sa mga ano, eh, sa mga bagay. Tinuturuan siya nina Direk Cathy (Garcia-Molina), nila Direk Richard (Arellano), ganyan. So okay siya. Nakikita mo na na-excite siya sa taping and natutuwa siya doon sa character niya.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa magiging takbo ng istorya ng kanilang serye, mag-iiba ang pakikitungo ni Bea kay Yna dahil aagawin nito si Angelo, ang lalakeng nagpapatibok ng kanyang puso.

Sa totoong buhay, hindi raw nagseselos si Kathryn sa presence ni Sarah sa set.

“Nakakausap ko talaga siya off-cam and parang noong unang day pa lang ang dami na naming chika, so maganda ‘yung start namin,” kuwento pa ni Kathryn.

Tiniyak ni Kathryn na hindi lang ang eksena nila ni Bea ang aabangan kundi ganoon din ang karakter ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria), at ang mag-asawang Eduardo (Ian Veneracion) at Claudia Buenavista (Angelica Panganiban).

“Marami pa, ngayon nagkita na si Amor at si Eduardo and ngayon din sa love story namin ni Angelo mas nade-develop na si Yna kay Angelo and then pumasok na si Bea Bianca, nandiyan si Diego. So and’yan na, dumarating na ‘yung mga characters na inaabangan din ng mga tao from original Pangako Sa’Yo,” sabi ni Kathryn.(ADOR SALUTA)