DAVAO CITY – Isang Pinay na madre mula sa Mindanao ang kabilang sa mga ginawaran ng Award for Human Rights ng Weimar City sa Germany, si Sr. Stella Matutina, na pinuri sa kanyang pagsusulong sa karapatang pantao at pangangalaga sa kalikasan.
Si Sr. Matutina ang secretary-general ng environmental group na Panalipdan Mindanao.
Ayon sa pahayag, pinagkalooban si Sr. Matutina ng 2015 Weimar Award for Human Rights “for her engagement, despite
threats to her life, for the rights of residents of the Philippine Island of Mindanao.”
Tatanggapin ni Sr. Matutina ang nasabing pagkilala sa Disyembre 10, 2015, International Human Rights Day. (Alexander D. Lopez)