TULUY-TULOY ang pamamahinga sa kontrabida roles ni Sylvia Sanchez. Mula sa mapagmahal na nanay sa Be Careful with My Heart, balik uli siya sa mapag-arugang nanay o lola sa Ningning bilang Mamay na nag-alaga sa batang si Jana Agoncillo sa serye na napapanood araw-araw bago mag-It’s Showtime.

Kung nanay siya nina Maya( Jodi Sta. Maria) at Kute (Aiza Seguerra) sa BCWMH, sa Ningning naman ay Lola Mamay siya ng bida.

“Makikita dito ang relasyon ng lola at apo. Siya ang buhay ko dito talaga. Kung dati ‘yong nanay at anak, ngayon lola, kaya matutuwa ang mga lola,” bungad ni Sylvia.

Sa presscon ng Ningning, ipinaliwanag ni Sylvia kung bakit maraming lola ang nagsasabi na mas nai-enjoy nila ang apo higit pa sa anak.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“Dati kasi, tinatanong ko lang ang mga in-laws ko kung ano’ng pakiramdam ng may apo. ‘Tapos napansin ko na bakit parang mas mahal nila ‘yung mga apo, na mas importante na nando’n ‘yung apo kapag Sunday or family day kesa sa amin.

“Hindi ko rin talaga ma-explain kung bakit talaga, pero nu’ng naging si Mamay ako, ramdam ko sa dibdib ‘yung saya at tuwa bilang lola na may apo ka. Iba pala talaga.”

Kaya lang, hindi pa raw siya handang magkaroon ng apo sa mga anak lalung-lalo na kay Arjo Atayde na nakikilala na rin nang husto sa larangan ng pag-arte.

“Utang na loob, hindi ko pa matatanggap magkaroon ng apo. Hindi pa ako handa. Kasi, ayoko pa,” sabay tawang sabi ni Ibyang.

“Si Arjo kasi, may mga pangarap din ‘yan na unti-unti na rin naman niyang naaabot kaya huwag niyang sayangin. Ayan na siya, eh. Pumupuwesto na kahit papaano. Hindi lahat nabibigyan ng gano’ng oportunidad, so huwag niyang sayangin ‘yon.

“Oo, sabihin na natin na lalaki siya, pero siguradong apektado pa rin ‘pag nagkaroon siya ng anak,” katwiran ni Ibyang.