Sa tulong ng Manila International Airport Authority (MIAA), naipatupad na ng Philippine Airlines (PAL) ang paperless entry na hindi na gagamit ang mga biyahero ng mga dokumentong papel para makapasok at sa halip ay ipiprisinta na lang ang kanilang e-ticket.

Simula ngayong Lunes, Marso 16, ay sisimulan na ng PAL at MIAA ang paperless procedure sa NAIA Terminal 2. Pagpasok ng isang pasahero ay kakausapin siya ng airport security upang ipakita ang imahe ng kanilang e-ticket sa kanyang personal electronic device, smart phone, tablet o laptop.

Tatanggapin pa rin ang mga dokumentong papel sa unang yugto ng proyekto. Kabilang dito ang traditional paper ticket, itinerary receipt, at e-boarding pass.

- Mina Navarro
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza