ANO’NG nangyari kay Roxanne Guinoo? Remember her, Bossing DMB?

Balita kasi namin ay babalik ng ABS-CBN ang dating pasaway na aktres.

Nakatsikahan kasi namin ang taga-ABS-CBN, “Babalik si Roxanne, may bagay na role sa kanya sa (bagong serye), look test muna siya.”

Nabanggit namin na kaya umalis ng ABS-CBN noon ang aktres ay dahil naging pasaway at hindi na nabigyan ng projects hanggang sa lumipat ng GMA na wala ring nangyari sa hindi malamang dahilan.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hanggang sa nabalitaang nag-asawa na at nagkaanak, pero gusto pa rin daw magbalik-showbiz kaya pinabalik ng ABS-CBN.

E, parang anim na buwan na ang nakararaan simula nang malaman namin ito, pero nakailang palit na ng bagong serye, wala pa rin si Roxanne.

Baka naman nagbago na ang plano, mas gusto na lang niyang maging ideal wife at mommy sa anak niya. –Reggee Bonoan