GUSTONG maging versatile actor ni Juancho Trivino, kaya natutuwa siya sa shows na ibinibigay sa kanya ng GMA-7. Ipinakilalala siya sa youth-oriented show na Teen Gen, naging kontrabida sa Villa Quintana, nagko-comedy sa Bubble Gang, at ngayon ay magda-dramedy sa InstaDad.

“Biggest role ko sa Teen Gen dahil isa ako sa mga bida, pero okay din ang labas ko sa Villa Quintana dahil bumagay daw akong kontrabida dahil mukha akong mataray. Nag-eenjoy ako sa Bubble Gang, ang dami kong natututunan kay Michael V at ang bilis mag-isip. ‘Pag hindi nagustuhan ang script, mabilis niyang ma-revise,” kuwento ni Juancho.

Looking forward si Juancho working with Gabby Eigenmann na first time niyang makakatrabaho. Kilala niya itong mahusay na aktor at alam niyang marami siyang matututunan at makukuhang na tips sa acting.

Bumalik sa pag-aaral si Juancho, naka-enroll siya sa La Salle ng Business Management course. Three years siyang tumigil sa pag-aaral, napag-iwanan na siya ng mga ka-batch niya, kaya ipinangako niya sa sarili na tatapusin ang pag-aaral kahit mahihirapan siya sa schedule.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa March 22, pagkatapos ng Sunday All Stars ang pilot airing ng InstaDad. Gagampanan niya ang role ni Dwight, ang boyfriend ni Mayumi (Ash Ortega). –Nitz Miralles