Pebrero 16, 1923 nang makarating ang British archaeologist na si Howard Carter sa libingan ng dating Egyptian leader na si King Tutankhamen sa Thebes sa Egypt. Ipinanganak ang hari noong circa 1400 B.C., at pumanaw noong siya ay binatilyo.
Sa puntod, natagpuan ang mga gamit ng punerarya at tatlong kabaong. Ang prineserbang bangkay ni King Tut ay nasa gintong kabaong.
Noong 19th century, maraming archaeologist ang nagtungo sa Egypt upang tuklasin ang mga libingan sa bansa. Nobyembre 1992 nang nakita ng grupo ni Carter ang mga bakas ng yapak malapit sa pasukan ng isang libingan, patungo sa pintuan na may pangalan ng hari. Noong Nobyembre 26 ng taon din na iyon ay nakita nina Carter at Lord Carnarvon ang maayos na libingan. Natagpuan ang ilang kayamanan sa libingan katulad ng alahas, mga armas at golden shrines.
Tradisyon ng mga Egyptian na i-preserve ang bangkay ng kanilang mga hari sa paglilibing sa mga ito sa mga eleganteng puntod.