Nalalapit na ang ika-29 anibersaryo ng 1986 People Power na nagbigay-daan sa pagkakaupo ni Tita Cory bilang Pangulo ng bansa. Nakatulong siya sa pagpapatalsik kay ex-Pres. Marcos na nagpakulong sa kanyang ginoo at nagpasara sa maraming institusyon, gaya ng Supreme Court, Congress at maging ng media outfits.

Ang kanyang anak na si PNoy ay binabagabag ng mga mabibigat na problema, na ang pinakahuli ang sumablay na operasyon ng PNP Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero. Isang kaibigang journalist ang nagsabi sa akin: “What an irony. Si Tita Cory ang nagpatalsik sa isang presidente, ngayon naman ay ang kanyang anak na pangulo ang nais patalsikin ng taumbayan.”

Pinagbibintangan si PNoy na sila raw ni suspended PNP Chief Director General Alan Purisima ang nakaaalam ng operasyon para i-neutralize ang bomb expert na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan. Nilabag daw ng Pangulo ang tinatawag na chain of command dahil sina DILG Sec. Mar Roxas at PNP OIC Deputy Director Leonardo Espina ay pinagtaguan ng ganitong malaki at importanteng operasyon. Bagamat batay sa pinakahuling ulat ay napatay si Marwan, 44 pinuno at tauhan naman ng SAF ang naging kapalit nito. Nilapastangan pa raw ang kanilang mga bangkay, ninakaw ang mga armas, personal na gamit, mga cellphone at iba pa.

Ngayong Pebrero 25, ipagdiriwang muli ang People Power na pinangunahan noon nina ex-Pres. Fidel V. Ramos at Sen. Juan Ponce Enrile. Si FVR ay magiging 88 anyos na. Kaya pa kaya niyang lumundag tulad ng kanyang ginagawa taun-taon? Si JPE naman ay 91 anyos, nakakulong dahil sa paratang na katiwalian dahil sa PDAF scam ni Janet Lim Napoles. Sila ang dalawang “coup pals” na mga bayani noon.      

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kung sa sektor daw ng relihiyon ay may isang Pope Benedict XVI ang nag-resign bilang lider ng Simbahang Katoliko, sa larangan naman kaya ng pulitika, tulad ng sa Pilipinas, ay kaya ring magbitiw ni Pangulong Aquino dahil sa mabibigat na isyu laban sa kanya?