Marahil bahagi na rin ng mga balakin mo ang magpaganda ng hubog ng katawan. Kaya balak mong mag-gym upang doon magpapawis. Okay lang iyon lalo na kung may sapat kang oras para sa isang masaya at masiglang pag-eehersisyo na kasama ang iba pang may layunin ding tulad ng sa iyo. Kaya kung pupunta ka roon sa unang pagkakataon, may ilang paalala sa iyo ang mga nangangasiwa ng gym:

  • Huwag kang palipat-lipat ng equipment na para kang nasa smorgasbord. – Mukha kang tanga sa ganoon. Isang equipment lang para sa isang body part na pagtutunan mo ng iyong oras upang magkaroon ng resulta. Kung palipat-lipat ka ng equipment, hindi mo masusulit ang iyong oras at lakas sa body part na gusto mong pagandahin.
  • Huwag mong iwan sa kung saan-saan ang iyong gamit. – Kabilang dito ang inuman ng tubig, tuwalya, weights, jump rope at kung anu-ano pang gym equipment. Puwede iyon sa iyong silid-tulugan ngunit hindi sa gym sapagkat ikaiirita ka ng iba pang naroon na kailangan pang hanapin ang maliliit na equipment na ginamit mo. Naroon sila para mag-exercise at hindi maghanap ng nawawalang gamit.
  • Eleksyon

    Ben Tulfo, itinangging may ‘political dynasty’ kapag 3 Tulfo naluklok sa Senado

  • Huwag kang makipagsosyalan. – Gayong mainam na magkaroon ng kasama sa pag-eehersisyo sa gym upang mapuwersa ka at magkaroon ng ganang magpapawis, mahirap para sa ibang naroon na mag-focus sa kanilang pag-eehersisyo kung nakikipagkuwentuhan ka nang malakas sa iyong katabi habang ginagamit mo ang treadmill. Ang malala pa, nakatayo ka sa tabi mismo ng treadmill at nakikipagkuwentuhan ka sa gumagamit nito. Huwag mo ring kakausapin ang nagbibilang sa pagbubuhat. Ang pawis na tumutulo sa likod mo ay hindi pawis – kundi matatalim na titig ng iba sa iyo dahil sa inis.
  • Respetuhin mo ang mga naka-headphone. – Kapag nakakita ka ng isang kakilala sa gym, mag-hello o hi ka sa kanya. Pero huwag mo namang simulang makipag kuwentuhan sa kanya kung naka-headphone siya. Sa totoo lang, maaaring mapanganib na kausapin ang naka-headphone. Kapag tinapik mo siya sa balikat, maaaring magulat siya at mawalan ng kontrol, at garantisadong magagalit siya sa iyo.

Sundan bukas.