TARLAC CITY - Dahil sa dami ng nagkukumpetensiyang tricycle driver ay sila na mismo ang nag-aaway-away sa pag-aagawan sa pasahero, sukdulang itaya ang kanilang mga buhay.

Sa ulat kay acting Tarlac City Police chief, Supt. Felix Verbo Jr., sa pag-aagawan sa pasahero ay pinagpapalo ng dos-por-dos si Leonardo Guevarra, 45, may asawa, ng Sitio Resettlement, Barangay Sapang Maragul, Tarlac City, ng kapwa tricycle driver na si Joseph Maglagui, 32, binata, ng Sitio Buno, Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Dakong 6:30 ng gabi, nakaparada ang tricycle ni Guevarra sa Sitio Resettlement nang biglang dumating si Maglagui at walang awang pinaghahataw sa ulo ang biktima.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20