Enero 16, 1909 nang marating nina Alistair Mackay, Douglas Mawson at Edgeworth David, tatlo sa mga naging parte ng ekspedisyon ni Lieutenant Ernest Shacketon, ang South Magnetic Pole (located in Victoria Land) at nagtayo ng British flag matapos ang paglalakbay na natapos sa loob ng 122 araw. Umabot sa 7,300 talampakan ang taas ng lokasyon.
Umabot sa 1,260 milya (2,016 kilometero) ang kabuuang layo ng nilakbay ng tatlong lalaki.
Minarkahan ang unang dalawang dekada ng 20th century ng ilang manlalakbay sa Antartica. Noong 1900, ang ilan sa mga manlalakbay ay nais tumungo sa Antartica para magsagawa ng prestihiyoso at siyentipikong pag-aaral. Taong 1929 nang bumiyahe ang unang tao patungong South Magnetic Pole at ito ay ang Amerikanong piloto na si Robert Byrd.
Matapos ang World War II, ilan sa mga bansa ang umaangkin sa ilang parte ng Antartica. Simula 1909, ang watawat ay umurong ng 550 milya mula sa kinatitirikan, natagpuan malapit sa pantalan ng Adelie Land.