?????????????????????

SAN ANTONIO (AP) – Ayaw maging sagabal ni San Antonio point guard Cory Joseph sa Spurs matapos magkaroon ng upper respiratory infection nitong huling dalawang araw. Sa halip, pinahirapan niya ang Washington Wizards.

Si Joseph ay nagtala ng 19 puntos ay napagwagian ng Spurs ang mabilis na pag-uumpisa ng Washington upang talunin ang Wizards sa ika-17 pagkakataon, 101-92, kahapon.

Napanalunan ng San Antonio ang 14 sunod na laro sa kanilang bakuran kontra Washington, ngunit ang pagkakataong ito ay isa sa mga hindi inaasahan. Sa pagkawala nina Tony Parker at Kawhi Leonard, at ang hindi masyadong pagpapakita nina Tim Duncan at Manu Ginobili, sumandal ang Spurs sa kanilang role players na tumulong na masungkit ang kampeonato noong nagdaang season.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Umiskor si Tiago Splitter ng 16 puntos, 15 ang nagmula kay Patty Mills, at nagdagdag naman si Boris Diaw ng 14 para sa San Antonio, na nagkasya lamang sa 4-of-16 sa 3-pointers. Si Ginobili ay nagtala ng limang puntos, habang apat ang kay Duncan.

Si Joseph ay kinapos ng isang puntos upang mapantayan ang kanyang career-high at tumulong din na malimitahan si ang point guard ng Washington na si John Wall sa 15 puntos sa kanyang 7-for-13 shooting.

''The last couple of games, he's been very important,'' sabi ni Ginobili. ''Cory playing sick and a little weak, really attacked the rim well. He made a lot of jumpers. He made a lot of things happen for us, especially in the first half when we were not playing at our best.''

Gumawa ang Washington ng 67 porsiyento sa shooting sa first quarter at 60 porsiyento sa first half.

Ngunit apat na puntos lamang ang kanilang nakuha sa huling 5 1/2 minuto. Ang 3-pointer ni Bradley Beal ang nagpalapit sa Wizards sa 91-88, ngunit mahigit apat na minuto silang walang basket matapos nito.

''Down the stretch, they made the hustle plays,'' turan ni Wall. ''They got the 50/50 balls. You look at the stat sheet, we did everything right, we've got to get to learn how to get to the level of these last two teams we played. Execute and have guys make big plays and make those shots.''

Pinangunahan nina Beal at Wall ang Wizards sa kanilang 15 puntos. Sina Marcin Gortat at Nene ay nagbigay naman ng tig-12 puntos. Sa matamlay na pagpapakita nina Ginobili at Duncan, ang Spurs ay binuhat ng kanilang super subs mula noong nagdaang season.

Binuksan ni Mills ang pag-atake, ipinasok ang isang 3-pointer upang bigyan ang Spurs ng 18-14 abante sa nalalabing 6 1/2 minuto ng first quarter. Gumawa si Mills ng 10 puntos sa loob lamang ng 5 1/2 minuto ng opening quarter, kabilang ang isang backdoor cut para sa isang layup mula sa one-handed pass ni Ginobili.

Si Mills ay 3-for-5 sa pagkuha ng season-high sa kanyang ikaapat na laro mula nang matengga noong offseason dahil sa shoulder surgery.

''I think he feels a little more comfortable every game,'' ani San Antonio coach Gregg Popovich. ''It just takes some time. His shot looks a little bit better and he's starting to figure out where to be on the court.''

Diaw took over once Mills slowed in the second half.

Resulta ng ibang laro:

Houston 115, Miami 79

Charlotte 98, Orlando 90

Chicago 109, Boston 104 (OT)

Denver 114, Memphis 85

Atlanta 115, Portland 107

LA Clippers 127, Philadelphia 91