KABUL, Afghanistan (AP) – Isang rocket na pinakawalan sa kasagsagan ng paglalaban ng mga militanteng Taliban at sundalong Afghan ang pumatay sa 26 bisita sa kalapit na wedding party kahapon, ayon sa awtoridad, isang malagim na paraan ng pagtatapos ng taon.

Nasapol ng rocket ang isang bahay sa Sangin District sa katimugang lalawigan ng Helman, na roon nakikipaglaban sa Afghan security forces sa mga militante sa loob ng anim na buwan makaraang lisanin ng puwersa ng Amerika ang lugar.

Sinabi ni Fareed Ahmad Obaid, tagapagsalita ng pulisya, na nasa 45 katao ang nasugatan. Pero ayon kay Bashir Ahmad Shakir, konsehal sa lalawigan, na maaaring umabot sa 30 ang namatay at hanggang sa 60 ang nasugatan.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod