Kevin McHale

HOUSTON (AP)– Pumayag na si coach Kevin McHale sa isang 3-year contract extension sa Houston Rockets.

Si McHale ay nasa kanyang ikaapat na season sa Houston, kung saan nakapagtipon siya ng 153-104 na rekord.

‘’He embodies the leadership, passion, knowledge, and team-first qualities we need as we continue our pursuit of bringing another NBA championship to the city of Houston,’’ ayon sa may-ari ng Rockets na si Leslie Alexander.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinangunahan ng 57-anyos na si McHale ang Rockets sa playoffs sa huling dalawang season bago sila napatalsik sa unang round.

Si McHale ay nanalo ng tatlong NBA championships sa kanyang 13-taon Hall of Fame playing career sa Celtics. Siya ay nagtrabaho sa Timberwolves ng 16 seasons, kabilang ang dalawang stint bilang coach ng koponan, bago lumipat sa Rockets noong 2011.

Ang Rockets ay 20-7 at nasa ikalawang puwesto sa Southwest Division.