SAN MANUEL, Tarlac - Dalawampu’t dalawang pasahero ng Ally passenger bus ang iniulat na isinugod sa pagamutan matapos sumalpok ang bus sa dalawang malaking poste sa Barangay Salcedo sa San Manuel, Tarlac noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni PO3 Moises Suaking ang mga biktimang sina Mary Jane, 27; Kristal Jane, 2; Siedel Raphson Madrid, 5; Bryan Viscara, 22, ng Bgy. Poblacion, San Manuel; Maricel Godoy, 33, ng Bgy. Legaspi, San Manuel; Maricris Disano, 24; Karen May Ayson, nasa hustong gulang, ng Rosales, Pangasinan. Isinugod sila sa Del Carmen Hospital para malapatan ng kaukulang lunas.

Sugatan din sina Leah Lucina, 24; Liduvin Fontanilla, 48; Rusty Pasig, 9; Ma. Teresa Gabriel; Robert Castillo, 46, ng Bgy. San Felipe, San Manuel; Rea Peralta, 14, ng Cuyapo, Nueva Ecija; Liberty Pascual, 53; John Jaster Prago, 20, ng Bgy. Villa, Oncada, Tarlac; at Alvara Carino, 64; Rolie Barrozo, 66, ng Manaoag, Pangasinan.

Naospital din sina Marlyn Palaming, 33; Geraldine, 35; Edmar, 4; Nova Pino, 32, ng Bgy. San Apartado, Alcala, Pangasinan; at Robert Castillo, 48, ng Bgy. Sta. Maria, San Manuel, Tarlac.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nabatid na pahilaga ang bus (BCX-639) na minamaneho ni Salvador Tandayu Jr., 39, ng Bgy. Legaspi, San Manuel, nang tinangka nitong i-overtake ang sinusundang sasakyan pero nawalan ito ng kontrol at sumalpok sa dalawang poste.