Ang Caritas Manila, ang social action arm ng Archdiocese of Manila, ang inatasang pumili ng 300 indibidwal mula sa Metro Manila na magkakaroon ng pagkakataon na dumalo sa Meeting with Families event kasama si Pope Francis sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Enero 16, 2015.

Sinabi ni Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Church-run Radio Veritas, na bibigyan ng prayoridad ang “poorest of the poor” sa kanilang pagpili sa mga dadalo sa pagtitipon.

Aabot sa 100 piniling pamilya mula sa bawat 86 archdioceses at dioceses sa buong bansa ang nakatakdang makapiling ang papa sa ikalawang araw ng pagbisita nito sa Pilipinas. (Christina I. Hermoso)
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon