CARDONA, Rizal - Tatlong lalaki ang naaresto sa anti-illegal drugs operation sa Barangay Looc sa Cardona, Rizal, kahapon.

Ayon sa report ng Cardona Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang mga naaresto ay sina Melvin Tongo, 20, may asawa; Honeyboy Julian, 31, binata, messenger; at Rodolfo Raymundo, 45, may asawa, pawang nakatira sa Bgy. Looc, Cardona, Rizal.

Nakuha ng mga operatiba ng Cardona Police mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu, isang plastc sachet na may traces ng shabu, tatlong aluminum foil at dalawang disposal lighter.

Batay sa imbestigasyon, dakong 7:30 ng gabi nang nakatanggap ng tawag ang himpilan ng Cardona Police kaugnay ng paggamit umano ng shabu sa Bgy. Looc, hanggang isagawa ang nasabing operasyon.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20