Kung may tinatawag na June Bride, mayroon ding December Bride sapagkat uso rin ang kasalan sa buwan na ito. Mababanggit na halimbwa sa Binangonan, Rizal sapagkat nitong Disyembre 12, Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, umaabot sa136 na pares na totoong babae at totoong lalaki ang libreng ikinasal nang sabay-sabay sa Kasalang Bayan, ginanap sa Ynares Plasa. Ang mga ikinasal ay nagmula sa iba’t ibang barangay ng Binangonan kasama na ang mga barangay sa Talim Island.

Ang Kasalang Bayan ay bahagi ng social program ng lokal na pamahalaan ng Binangoinan sa pangunguna ni Mayor Boyet Ynares at sa pakikipagtulungan ng pamunuan at mga miyembro ng Boyet Ynares Ladies Movement (BYLM). Ang idinaos na Kasalang Bayan ay ika-10 edisyon na, idinaraos tuwing buwan ng Hunyo at Disyembre bago sumapit ang Pasko. Ayon kay Mayor Ynares, layunin ng Kasalang Bayan na maging legimate ang pagsasama ng mag-asawa at ng kanilang mga anak sa harap ng Diyos at mata ng tao. Gayundin ang matagal nang nagsasama na may manugang na at mga apo.

Ang nagkasal sa may 136 na pares sa Kasalang Bayan ay si Pastor Eliezer Gonzal. Sa bahagi ng kanyang homilya, binigyan diin niya na ang kasal ay isang kasunduan na panghabambuhay ng isang babae at lalaki. Ang kahalagahan kasal ay ginawa ng Diyos nang ikasal Niya sina Adan at Eva sa Paraiso. Idinagdag pa na ang pag-ibig ang dapat na mangibabaw sa kasal at pagsasama. Sapagkat ang pag-ibig ay mapagtiwala, puno ng pag-asa at maasahan hanggang sa wakas. Ang nagpahayag naman na kasal na ang may 136 na pares ng babae at lalake ay si Mayor Boyet Ynares. Naging mga saksi naman sina Vice Mayor Rey Dela Cuesta, Ryan Ynares at ang mga miyembro ng Sanggunian Bayan.

Naing bahagi rin ng Kaalang Bayan, bilang katuwaan ang kissing contest o matagal na halikan ng bride at groom. Walong pares ang lumahok na dito’y pawang buntis na ang mga bride. Dalawang pares ang hindi tumagal ng halikan ngunit ang anim na pares ay naghalikan ng mahigit na limang minuto. Sa halikan, halos maubos ang lipstick ng bride. Sila’y binigyan ng gantimpalang tig-P3,000 na magagamit sa kanilang panganganak.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Mabuhay ang bagong kasal!