Kris Aquino

BILIB na bilib si Kris Aquino sa sobrang kabaitan at kawalan ng yabang ni Coco Martin.

“Di ba malalaman mo ang tunay na pagkatao ng isang tao kapag madalas kayong nag-uusap? Eh, imagine at 4 AM, nagkukuwentuhan kami kasi kami na lang ‘yung natitira (sa set ng Feng Shiu 2). Kasi si Direk Chito (Roño) kapag nagso-shoot, linear, from the beginning towards the end, walang laktaw-laktaw, so two to three weeks ay kami na lang ni Coco ang magkasama talaga.

“So, ultimo water bills namin sa isa’t isa, alam na namin, mga kuryente alam namin, kuwentong buhay ng family niya, alam namin,“ tumatawang sabi ni Kris.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

So, alam na rin niya ang tungkol sa lovelife ni Coco?

“Ayokong makialam sa kanya, kasi ayoko ring makialam siya,” mabilis na sagot ng Queen of All Media. “But all the kuwento about the mom, the dad, the lola, alam ko lahat. ‘Tapos nagku-compare kami ng household expenses, kasi siya negosyante rin siya ngayon, di ba, may Fix (salon) siya, so ‘yun ‘yung pinag-uusapan namin.

“Sabi ko, ‘alam mo for a franchise to work, it should be personalize, kailangan puntahan mo, kailangang ipagkalat mo na iyo ‘yon,” mahabang kuwento ni Kris.

Inamin din ng TV host/actress na masuwerte siya sa mga kasama niya sa pelikula dahil magagaling lahat.

“Ang konti namin sa cast, sa main scene na natira lang, Tito Joonee Gamboa, si Ms. Cherie Pie Picache, ‘tapos Ian Veneracion, si Coco, kami lang. So super gagaling, you don’t see them as them, sila talaga ‘yun kaya nakaka-challenge.”

Magkano inabot ang gastos sa Feng Shui 2?

“Mahal siya,” natawang sabi ni Kris.

Umabot ba sa P100M?

“Hindi naman masyado, but that kind of quality, it’s definitely expensive than Little Bossing, kasi may effects, eh, kaya mahal, ‘yung equipment rental. Kasi mas sophisticated talaga ‘yung ginamit, ‘tapos mahal si Direk Chito. Siyempre, di ba, kahit bakas sila, may talent fees sila, mahal si Coco at mahal ako, ha-ha-ha-ha,”tawa nang tawang sabi ni Kris.

Nabanggit ding hindi uso sa cast ang diva-divahan dahil takot silang lahat kay Direk Chito.

“Go lang nang go (sa ipinapagawa)! Okay! Kahit gumulung-gulong ka, okay! Malaglag ka, okay! Humiga ka sa kalye, okay! Ibalibag niya ako, okay!” natatawa pang sabi ng Queen of All Media.

Sa mga nakatrabahong direktor ay kay Direk Chito lang daw siya takot kasi nga batikan na kumpara sa iba.

“I haven’t work with the rest pa, I haven’t work with Direk Olive (Lamasan), the only one of Direk Chito’s caliber would be Joel Lamangan. I haven’t work with Carlitos (Siguion-Reyna), I haven’t have the opportunity to work with Marilou Diaz-Abaya, so parang sa generation nila, siya talaga, siguro iba nga kasi una ko siyang nakatrabaho, 20 years old ako. Magaling siya talaga!” kuwento pa ni Kris.