INILUNSAD kamakalian ng pamahalaang bayan ng Binangonan, Rizal ang isang medical mission at bloodletting sa pangunguna ni Mayor Boyet Ynares na idinaos sa Ynares Plaza. Umaabot sa may 1,500 residente ang nakinabang sa libreng gamutan. Naging makahulugan naman ang aktibidad sapagkat kasabay nito ang pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ni Mayor Boyet Ynares at ito ang kanyang handog sa kanyang mga kababayan. Ang mga lumahok sa medical mission ay ang medical team mula Binangonan Municipal Health Office, Provincial Health Office, at mga volunteer doctor sa Binangonan at mga bayan sa Rizal.

Sa bloodletting, umaabot naman sa 387 ang donor na nagmula rin sa iba’t ibang barangay ng Binangonan. Ang Barangay Darangan ang may pinakamaraming blood donor na umaabot sa 90 katao. Pangalawa ang Barangay Lunsad na may 73 blood donor at pangatlo ang Barangay Libis na may 53 blood donor. Bilang gantimpala, binigyan ni Mayor Boyet Ynares ang Barangay Darangan ng isang bagong motorcycle patrol. Ang Barangay Lunsad ay may premyong sampung sakong bigas at ang Barangay Libis ay 5 sakong bigas. Ang namahala sa blood letting ay ang medical team ng Victorino Potenciano Medical Center at sa pakikipagtulungan ng pamanuan at mga miyembro ng Boyet Ynares Ladies Movement (BYLM).

Ayon kay Gng. Mitz Colada ang libreng gamutan at blood letting ay municipal wide. May ginagawa ring medical mission sa bawat barangay ng Binangonan; proyektong pangkalusugan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Boyet Ynares. Ang medical mission sa bawat barangay at sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Mayor Ynares ay sinimulan ilunsad mula noong 2007 nang manungkulan si Mayor Boyet Ynares bukod pa ang programa sa edukasyon.

Kaugnay naman ng Higantes Festival at Pista ni San Clemente sa Angono tuwing sasapit ang buwan ng Nobyembre, sinimulan at binuksan ang art exhibit nitong Nobyembre 14. May dalawang art exhibit din na matatapos sa Nobyembre 20 na tampok ang mga likhang sining ng mga kilalang pintor sa Angono at maging sa ating bansa tulad nina Nemiranda, Jr, Lito Balagtas at Ember Crisostomo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!