Tim Duncan, Kawhi Leonard, LeBron James

CLEVELAND (AP)- Nagsalansan sina Tim Duncan at Boris Diaw ng tig-19 puntos upang tulungan ang San Antonio Spurs sa panalo kontra sa Cleveland, kung saan ay binigo nila ang koponan sa ika-lO sunod na pagkakataon, bukod pa sa muli nilang nahadlangan si LeBron James tungo sa 92-90 panalo kahapon.

Umiskor si Manu Ginobili mula sa layup sa nalalabing 18 segundo sa orasan, bukod pa sa naisagawa ang free throw sa natitirang 9.1 segundo at muling paghadlang kay James na nagkamit ng turnover, may 1.9 segundo pa sa korte para sa defending NBA champions. Ito ang unang paghaharap ng Spurs at ni James simula pa noong nakaraang Hunyo, nang pabagsakin ng San Antonio ang Miami Heat sa NBA Finals.

Nagtala si Anderson Varejao ng 23 puntos, nagambag si K yrie Irving ng 20 habang nakapagposte lamang si James ng 15 para sa Cavs, na sumadsad sa 5-5.

National

Malacañang, inalmahan si Ex-Pres. Duterte: ‘He should respect the constitution!’

Taglay lamang ni James ang 6-of-17 mula sa field habang naikasa lamang ni Kevin Love ang 4-of-12. Matapos na magmintis si Ginobili sa kanyang free throw, mabilis na itinakbo ni James ang bola patungo sa kanilang lugar upang tangkaing itabla ang laro subalit nawala siya sa control malapit sa kalagitnaan ng mid-court.

Inamin ni James na ang laro ay ‘di dapat naging ‘’measuring stick’’ para sa Cavs, patuloy na pinipigurahan ang unang linggong paglalaro sa season. Binalaan ni James ang Cleveland na magkakaroon pa ng ilang pagkakataon upang mag-jell ang koponan, at ito nga ay nangyayari sa kasalukuyan sa fourtime MVP.

Hindi nakaporma ang Cavs sa apat na quarters ngunit napanatili ng koponan na ‘di halos mapag-iwanan ng Spurs, at ipinagpasalamat nila ito kay Varejao, na tinipa ang 9 na puntos sa loob lamang ng 3-minuto upang ibigay sa Cleveland ang 86-85 lead. Subalit nagbuslo si Duncan at napasahan si Ginobili para sa basket, may 17.7 segundo pa sa orasan upang ibigay sa Spurs ang 91-88 lead.

Ang dalawang free throws ni Irving ang nagpalapit sa Cavs sa 91-90, at nang maimintis ni Ginobili ang nalalabing segundo sa kanyang dalawang free throws, dito na nagkaroon ng huling pagkakataon ang Cavs.

Ngunit sa kanyang layunin na mailayo agad ang bola, nawala sa control si James at natamo ng Cavs ang 2-3 pagsadsad sa sariling tahanan.

Hindi pa tinatalo ng Cleveland ang San Antonio simula pa noong Marso 8, 2010, sa kasagsagan noon ni James sa kanyang unang kainitan sa Cavs.

Matapos ang pagkatalo sa Denver noong Martes, binalaan ni James ang kanyang teammates na huwag magpatumpik-tumpik dahil baka sila mapahiya sa Spurs, tinawag nitong ‘’the Patriots of the NBA.’’ Nakahanda nga ang Cleveland, at habang si James ay pinagpapahinga sa bench sanhi ng tatlong fouls, ibinaon ni Irving ang dalawang sunod na 3-pointers at umiskor ng walong sunod upang ibigay sa Cavs ang 47-36 lead.

Nakatulong sa Spurs ang dalawang turnovers ng Cleveland, kung saan ay nagposte ang koponan ng walong sunod na puntos sa huling 1:25 sa orasan upang itulak ang iskor sa 47-44 sa break.