Naaalala mo pa ba noong unang pumasok ka sa elementarya nang bigyan kayong mga mag-aaral ng isang listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng klase at habang nasa loob ng bakuran ng inyong paaralan? Huwag mag-ingay. Walang hiraman ng gamit. Bawal ang magkalat. Magtaas ng kamay kung nais magsalita. Igalang ang bawat isa. Hindi playground ang classroom. Huwag magsasalita kapag nagsasalita ang teacher. Panatilihing malinis ang uniporme. Bawal ang mahabang kuko. Gawin ang assignment sa takdang panahon. Panatilihing malinis ang kapaligiran. Mag-flush ng toilet pagkagamit. Maghugas ng kamay... at kapag may nilabag ka alin man sa mga panuntunan na iyon, agad na sinasabi ng kaklase mo, “Lagot ka kay Teacher, kasalanan mo ‘yan!”

Marami sa atin ang tumitingin sa kasalanan bilang paglabag sa listahan ng mga panuntunan ng Diyos. Sinusunod nila ang Sampung Utos ng Diyos at ang mga pangaral ni Jesus at iniisip nilang okay na sila. Pero kailangan nating malaman amg kahulugan ng kasalanan ayon sa Mabuting Aklat—kaugnay ng batas ng Diyos at ang Kanyang perpektong karakter.

Ayon sa Mabuting Aklat, ang kasalanan ay kawalan ng takot sa batas. Kaya nag-uugat ang lahat ng ating mga makasalanang gawain at pag-uugali—ang ating kabiguang magtiwala sa Diyos.

Ang kawalan ng takot sa batas ay higit pa sa paglabag dito. Ito ang pamumuhay na parang mas superyor ang sarili nating mga ideya kaysa Diyos. Sa bawat kasalanan, naroon ang kasinungalingan na “Hindi naman talaga masama ang iyong ginagawa, o iniisip o nararamdaman dahil mas malala pa roon ang ginagawa ng ibang tao. At wala ka namang magagawa para pigilan ang iyong sarili.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang kasalanan ay hindi bunga lang ng ating kabiguang tuparin ang listahan ng mga batas na ibinigay sa atin ng Diyos. Sa totoo lang, marami ang naniniwala na basta hindi nila nilalabag ang Sampung Utos, ligtas na sila. Basta gumagawa sila ng tama, okay na okay sila sa Diyos. Ngunit ito ay pagpapakita lamang na sila ay mabuting tao. Para sa akin, hindi iyon pananampalataya. Ibig kong sabihin, hindi sapat iyon upang sila ay maligtas. Si Jesus lang ang tagapagligtas. VVP