WASHINGTON (AP) – Naareglo na ng singer na si Chris Brown ang gulong kinasangkutan kamakailan nang isang lalaki ang sinuntok niya sa labas ng isang hotel sa Washington.

Base sa ulat ng The Washington Post, kinumpirma noong Huwebes ng abogado ni Parker Adams na si John C. Hayes na nakipag-ayos na si Chris sa gulong namagitan sa kanila ni Adams. Ngunit hindi nito sinabi kung magkano ang binayaran ng singer. Hindi rin ito agad na sumagot sa hinihinging mga impormasyon ng mga taga-The Associated Press.

Nahatulang “guilty” sa akusasyon si Chris. Umamin ang singer na sinuntok niya si Adams na sumingit umano habang kinukuhanan ng litrato si Chris at dalawang babae noong Oktubre 2013.

Nabasag ang buto sa ilong ni Adams matapos siyang suntukin ni Brown.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod