Mura at sampal ang inabot ng isang binata nang magkaharap sila sa presinto ng dalagitang hinalay nito ng tatlong beses sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Si Jasper Monroy, 28, ng No. 43 Davila Street, Barangay Karutahan ng nasabing lungsod ay nahaharap sa kasong three counts of rape.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Cherk,” 14, sa Women’s and Children Concerned Desk (WCCD) ng Valenzuela Police, una siyang hinalay habang

natutulog ng suspek noong Oktubre 14, 2014. Hindi makapagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang sa pangambang sila ang pagbalingan ng suspek.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Oktubre 17, dakong 10:00 ng gabi, naulit ang panghahalay ni Monroy kay Cherk at muling nasundan noong Oktubre 20 kaya’t napilitan na siyang magsumbong sa kanyang ate.

Nabatid na labas-masok ng bahay si Monroy at parang kamag-anak na rin ang turing sa kanya ng pamilya ni Cherk.