DASMARIÑAS CITY, Cavite – Isang holdaper na lulan ng motorsiklo ang namatay nang sumabog ang kanyang dala-dalang granada malapit sa isang eskuwelahan sa hangganan ng Barangay San Nicolas at Barangay San Mateo sa siyudad na ito kamakalawa ng hapon.

Pito katao ang sugatan sa insidente, ayon sa pulisya.

Naganap ang pagsabog matapos holdapin ng suspek ang mga customer ng Batch 92 computer shop ng P6,200 at isang cellphone dakong 6:45 noong Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Supt. Carlos Ebuen Barde, Dasmariñas Police Station chief, posibleng aksidenteng nabunot ng suspek ang pin ng granada habang ito ay sakay ng motorsiklo kaya ito ay sumabog.

Comelec, inoobliga na mga kandidato na iparehistro ang kanilang social media accounts

Positibong itinuro ng mga biktima ng holdup ang suspek at nabawi rin ng pulisya ang tinangay na salapi at cellphone mula sa nagkalasug-lasog na katawan nito.

- Anthony Giron