Hinimok ng pamahalaan ang kabahayan, commercial at industrial enterprises at mga ahensiya ng gobyerno na kaagad bawasan ang pagkonsumo sa elektrisidad, sa napipintong kakapusan ng suplay sa 2015 na mas malaki kaysa inaasahan.

Nahaharap ang bansa sa kakulangan na halos 900 MW sa susunod na taon para sa Luzon.

Inilarawan ni Energy Secretary Carlos Jericho Petilla ang madilim na kinabukasan ng power supply sa Luzon sa pagdinig ng energy panel ng Senado noong Huwebes sa hiling na emergency powers ng Pangulong Aquino mula sa Kongreso para harapin ang kakulangan.

“We need an additional 900 MW or even more,” ani Petilla, idinagdag na ang mas malaking kakulangan ay nangangahulugan ng mga brownout na tatagal ng dalawa hanggang 3 oras kung walang daumating na supply sa Marso.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“We are begging indulgence from everyone, if they could do something good for the country.” - Reuters