Inanunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na bababa ng presyo ng tinapay bago mag-Pasko bunga ng pagbaba sa presyo ng trigo sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ng DTI na asahan ng publiko ang pagbaba ng P2 sa presyo ng tasty o loaf bread habang P0.50 sa pandesal. Sakaling ipatupad ito, mabibili ang Pinoy Tasty sa P35 habang P22 naman ang sampung pirasong Pinoy Pandesal.

Giit ng DTI, bumaba sa P920 ang presyo ng kada sako ng harina mula sa dating P940 na pinagbasehan ng napipintong bawaspresyo sa tinapay.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente