PUMANAW noong Lunes ang radio broadcaster na si John William Joseph Jr. na mas kilala bilang Johnny Midnight, dahil sa prostate cancer. Siya ay 73 anyos.

Namatay si Johnny Midnight sa habang naka-confine sa Parañaque Hospital, pahayag ng kanyang pinsan na si Robert Joseph sa ABS-CBN News.

Hindi pa inihahayag ng pamilya ni Joseph ang detalye ng kanyang libing.

Radio broadcaster ng DZRJ, sumikat si Johnny Midnight sa pagsusulong ng isang uri ng “toning water” na ayon sa kanya ay nakagagaling ng sakit.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Naging craze ito ng kanyang mga tagapakinig. (ABS-CBN News)