Mayroon akong amiga na sobra-sobra kung magtipid sa pera. Tinitikis niya ang kanyang sarili, ni hindi siya sumasama sa anumang lakaran naming mag-aamiga, lalo na kung araw ng suweldo. Kaya naman nang magkaroon ng biglaang sale sa isang mall, halos maubos ang inimpok niyang salapi sa pagbili ng kung anu-anong gamit sa bahay na natitiyak kong mayroon na siya at ang iba naman ay talagang hindi niya kailangan. Para siyang uhaw na uhaw gumasta. Nawala ang programa niyang magtipid sa pera. Back to zero uli siya. narito ang huling bahagi ng ating paksa. nawa ay makapulutan mo ito ng aral…

  • Huwag pagkaitan ang iyong sarili. – Habang dinidisiplina mo ang iyong sarili sa larangan ng pag-iimpok ng salapi, huwag kalimutang mayroon ka ring mga pangangailangan, na kailangan mo ring magsaya paminsan-minsan. Kapag masyado kang istrikto sa iyong paggasta, naroon ang pakiramdam na parang pinagkakaitan mo ang iyong sarili, na maaaring mauwi ka sa biglaang paglulustay. ang pagdidiyeta sa budget ay parang pagdidiyeta rin sa pagkain; kapag nandaya ka, malaki ang pandaraya mo.
  • Magplano ng mga bayarin. – Buwanan ang electric at Internet connection bills kaya hindi mo dapat inuutang ang pambayad nito. Buwanan din ang pagbabayad sa credit card kaya maitatakda mo kung kailan ka dapat magbayad upang maiwasan ang additional charges and fees. Kung may malimutan ka sa mga ito, malaking kapahamakan sa progreso ng iyong pag-iimpok. Tiyakin mo rin na kasama sa plano mo ang regular na pag-iimpok sa bangko.
  • National

    Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

  • Magpasya kung magkano ang iyong gagastusin. – Sa panahon ngayon, huwag ka nang umasa sa biglang buhos ng salapi sa iyong bulsa. Kung kakapiranggot lamang ang iyong kinikita, huwag kang lalampas sa mga gastushig komportable para sa iyo. Gayong natural na sa tao ang paangatin ang antas ng kanyang pamumuhay, inangat mo ang iyong pamumuhay na ayon sa pahihintulutan ng iyong kinikita. Huwag mo nang batuhin ang bungang nasa matataas na bahagi ng puno dahil imposible mong tamaan ang mga iyon