TARLAC CITY - Dalawa sa tatlong nagnakaw umano ng dalawang mamahaling baterya ng sasakyan ang nalambat ng awtoridad sa follow-up operation ng pulisya sa Barangay San Nicolas, Tarlac City.

Arestado sina Christian Landingin, 19; at Abor Galleto, 29, kapwa ng Bgy. San Nicolas, habang pinaghahanap pa si Dagis Soriano, nasa hustong gulang.

Natangay umano ng tatlo ang dalawang Motolite Endurance battery na nagkakahalaga ng mahigit P11,000 mula sa Long Last Canvass Store ni Marvone Mallari, 31, sa Bgy. San Nicolas, Tarlac City. - Leandro Alborote

Reso na magbabasura sa impeachment ni VP Sara, hindi pa nakikita ni SP Chiz