blind-copy-copy

IBINUKING ng aming sources ang isang aktor na hindi pala komportable sa kanyang “kakayahan”.

Dalawang kasabay na performers ng aktor ang nagkumpirma sa amin na gumamit ng padding sa loob ng underwear ang kasamahan nilang aktor nang rumampa sila sa The Naked Truth fashion show ng Bench.

Kuwento nila sa amin, sa magkahiwalay na pagkakataon ay mismong ang aktor ang umamin na gumamit ito ng “pampabukol” sa kanyang harapan.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

Katwiran daw ng aktor na isa sa mga tinilian ng audience sa pinag-usapang fashion show, kailangan niyang magdaya para kahit papaano ay magmukhang may itinatago siya at siyempre, tiyak na mapag-uusapan talaga siya.

Pero ang ipinagtaka ng sources namin ay kung bakit kailangan pa ng kilalang aktor na mapag-usapan ang tambok ng harapan niya gayong nakakainggit nga raw ang magandang katawan nito.

“Insecure pala talaga si _______ (actor ), kahit marami ang humahanga sa ganda ng katawan niya at pati na rin sa kaguwapuhan niya ay insecure pa rin siya,” sey ng source.

Samantala, hindi naman ito itinanggi ng personal assistant (PA) ng naturang aktor nang itanong namin ang nasagap naming tsismis tungkol sa amo niya. Sabi ng PA, siya pa nga raw ang pinahanap ng alaga niya ng paraan para magmukhang matambok ang harapan nito.

Hayun, naghitsurang mayabang na mayabang na ang harapan ng aktor.

Pero nakaramdam naman pala, kahit papaano, ng hiya si Aktor sa mga taong nanood nang gabing iyon.

Tagumpay naman ang paglalagay ng padding ng aktor sa kanyang brief, kaya ‘yung kapansin-pansin na pagiging mahiyain nito sa pagpapakita ng hubad na katawan sa publiko ay napalitan ng “confidence”.

Ang padding, bow!