Patay ang isang mag-asawa at ang kanilang anak matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Sitio Gumbaco sa Barangay Sinuda, Kitaotao, Bukidnon noong Biyernes.

Sinabi ni Insp. Jiselle Longgakit, tagapagsalita ng Bukidnon Police Provincial Office, na makaraang maguhuan ng lupa ang bahay ng pamilya ay natangay pa ito ng rumagasang baha mula sa isang umapaw na ilog sa lugar.

Sinabi ni Longgakit na bukod-tanging nakaligtas sa insidente ang isa pang anak ng mag-asawa, na kinilala sa apelyidong Unsay.
Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?