Nagsilikas ang ilang residente sa muling pagsalakay ng mga miyembro ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sinabi ng 602nd Brigade ng Phippine Army, dakong -10:40 ng gabi nang mag-alsa balutan ang ilang residente sa Barangay Maligaya, Kabacan, Cotabato.

Ayon kay 602nd Brigade Philippine Army spokesman Captain Calvin Macatangay, lumusob ang mga tauhan ni Ameril Umbra Kato sa detachment ng Charlie Company ng 7th Infantry Battalion Phil. Army na humantong sa 30 minutong barilan bago umatras ang mga bandido.

Walang nasugatan sa mga sundalo habang hindi matiyak pa sa mga rebelde.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20