Setyembre 26, 1887 ipina-patent ng German inventor na si Emile Berliner ang gramophone. Ito ang unang system ng comma sound recording, na nagiimbak ng mga musika sa flat disk imbes na sa cylinder. Ang instrumento ay mayroong aparato na humahawak sa karayom na ginagamit sa pagbabasa ng vibration at nagpapadala ng impormasyon sa speaker.

Noong 1877 naganap ang unang pagtatangka na magdisenyo ng isang musical-playing instrument nang maimbento ni Thomas Edison ang phonograph, isang gamit na nagpapalabas ng tugtugin mula sa cylinders. Ang imbensiyong ito ay sinundan ng graphophone ni Alexander Graham Bell.

Ang gramophone ang unang musical device na kayang i- mass-produce sa pamamagitan ng paglilikha ng master recordings na maaaring maging hulmahan.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'