John-Prats_JIMI-copy

MATAGAL nang bulung-bulungan ang pagkaroon ng bagong TV show ni Willie Revillame. Kung naunsiyami noong una, ngayon daw ay mukhang may katotohanan na ang balita.

Ayon sa nakausap naming GMA insider, halos plantsado na ang weekend noontime show ni Willie. Pero maaaring blocktimer raw ito at hindi station produced. Si Willie pa rin ang mamumuhunan.

Tuwang-tuwa na nga raw ang loyal staff ni Willie na ilang buwan nang walang trabaho.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

From the same source, nalaman din namin na may posibilidad na lumipat at sumunod na rin sa kapatid sa GMA-7 si John Prats. Ang kapatid niyang si Camille Prats ay ilang taon nang talent ng Siyete, at ito raw nag-udyok sa aktor na mag-ober da bakod na rin.

“Hindi na siguro nasisiyahan si John sa mga projects na ibinigay sa kanya ng Dos kaya panay ang punta ng manager niya dito sa GMA,” sey ng source namin.

Bukod kay John, naibalita rin ng source namin na pati ang isang kilalang aktres at komedyante ay nakikipagnegosasyon na rin sa management ng Siyete.

Hindi nga lang matukoy ng source namin kung para sa sarili ang negosasyon ng kilalang aktres o para sa anak nito na balak din niyang ipasok sa showbiz.