Setyembre 3, 1894 isinilang sa Tarlac si Benigno Servillano Aquino Sr., ang lolo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Siya ay anak nina Servillano Aguilar Aquino, isa sa mga rebolusyonaryong lider noong panahon ng pananakop ng mga Kastila; at ni Guadalupe Aquino, anak ng mayamang mag-asawang sina Pablo at Lorenza Quiambao.
Tinatawag ding “Igno” ng kanyang mga magulang, siya ay naging mambabatas at miyembro ng gabinete ni Manuel L. Quezon. Nagsilbi rin si Aquino bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Tarlac (1919-1928), senador (1928-1934), at assemblyman (1935-1938). Naging Secretary of Agriculture and Commerce rin siya.
Sa edad na 53, namatay siya sa atake sa puso habang ginaganap ang isang Mexican-Filipino boxing fight sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila noong Disyembre 20, 1947.