CARRANGLAN, Nueva Ecija— Dalawang extortionist na nagpapanggap na mga kasapi ng New Peoples’ Army (NPA) ang nilikida ng mga hindi nakilalang salarin sa Maharlika Highway sa Bgy. Puncan, sa bayang ito noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng Provincial Public Safety Company (PPSC) sa tanggapan ni Sr. Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Director, nakilala ang isang biktima na si Ronnie Batad Estrada, alias “Ka Omeng”, residente ng Bgy. Bagong Sicat, San Jose City, habang hindi pa nakikilala hanggang kahapon ang kasama nito. Kapwa tadtad ng tama ng bala ng baril ang kanilang mga katawan.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Team sa lugar ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistola, pekeng baril, at mga subersibong dokumento kabilang ang mga kopya ng extortion letters. - Light A. Nolasco
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?