Mariing kinondena ng walong Arab and Islamic countries ang pagbabarikada ng Israel sa mga Muslim na makasamba sa kanilang mga mosque at pagbabawal sa mga Kristiyanong magsagawa ng misa kamakailan para sa Linggo ng Palaspas sa Jerusalem.
Matatandaang hindi nagawang makapasok ni Latin Patriarch of Jerusalem Cardinal Pierbattista Pizzaballa sa Church of the Holy Sepulchre noong Linggo, Marso 29, 2026, upang magsagawa sana ng misa para sa simula ng paggunita ng Semana Santa dahil sa pagbabawal ng Israel.
Bukod dito, 30 na raw na umanong isinasara ng Israel ang tarangkahan ng Al-Aqsa Mosque / Al-Haram Al-Sharif para sa mga muslim kahit sa pagdaraos ng mga ito ng Ramadan noon.
Ayon sa inilabas na joint statement ng Ministry of Foreign Affairs ng Qatar sa kanilang “X” account noong Lunes, Marso 30, 2026, sinabi nilang mariing kinondena ng mga bansang Jordan, Qatar, United Arab Emirates (UAE), Indonesia, Pakistan, Türkiye, Saudi Arabia, at Egypt ang nasabing pagbabawal ng Israel na magamit ng mga mananampalatayang Muslim at Kristiyano ang “The Holy Sanctuary” o “City of Peace” na lugar ng Jerusalem.
Anila, malinaw na paglabag sa international law, international humanitarian law, at pagbalewala sa banal na kasaysayan ng Jerusalem para sa mga Muslim at Kristiyano ang ginagawa ng Israel,
“These continued Israeli measures constitute a flagrant violation of international law, including international humanitarian law, as well as of the legal and historical status quo, and represent an infringement on the unrestricted right of access to places of worship,” anila.
Dagdag pa nila, “The Ministers affirmed their absolute rejection of the illegal and restrictive Israeli measures against Muslims and Christians in Jerusalem, including preventing Christians from freely accessing the Church of the Holy Sepulchre to perform their religious rites.”
Anang Ministro, wala raw kapangyarihan ang Israel para okupahin ang Jerusalem at kailangan daw na hayaan nilang makapunta ang mga mananampalatayang Muslim at Kristiyano sa mga lugar na kailangan nilang pagsambahan.
“They stressed the necessity of respecting the legal and historical status quo in Jerusalem and its Muslim and Christian holy sites, reiterating that Israel, as the occupying Power, holds no sovereignty over occupied Jerusalem, and underscoring the need to halt all measures that impede worshippers’ access to their places of worship in Jerusalem,” buwelta nila.
Diin pa nila, “The Ministers reiterated that the entire area of Al-Aqsa Mosque/ Al-Haram Al-Sharif, amounting to 144 dunams, is a place of worship exclusively for Muslims, and that the Jerusalem Endowments and Al-Aqsa Mosque Affairs Department, affiliated with the Jordanian Ministry of Awqaf and Islamic Affairs, is the legal entity with exclusive jurisdiction to administer the affairs of the blessed Al-Aqsa Mosque / Al-Haram Al-Sharif and regulate entry thereto.”
Bukod dito, nagawa rin nilang manawagan sa iba pang mga estado at bansa na maglabas ng kanilang pagtindig kaugnay sa ginagawa ng Israel sa mga mananampalatayang Muslim at Kristiyano sa Jerusalem.
“They also called on the international community to adopt a firm position that compels Israel to halt its ongoing violations and illegal practices against Islamic and Christian holy sites in Jerusalem, as well as its violations of the sanctity of these holy places,” pagtatapos nila.
Matatandaang magkasanib-puwersa ang Israel at United States (US) sa pag-atake laban sa bansang Iran na nagsimulang simuklang noong Pebrero 28, 2026.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin na umiigting ang giyera sa pagitan ng mga nasabing bansa dahilan upang magdulot ito ng sigalot sa Gitnang Silangan at maramdaman ng Pilipinas ang labis na pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo.
KAUGNAY NA BALITA: 'It's a failing country:' Trump, planong isunod ang Cuba!
KAUGNAY NA BALITA: Trump, inintrigang ‘bakla’ si Iran SL Mojtaba Khamenei