Nang dahil sa limang piso ay muntik nang mamatay ang isang mister na ginulpi at sinaksak ng kanyang hiningian na rumesbak kasama ang mga kaanak nito sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.

Ginagamot sa Valenzuela City Medical Center si Marlon Calundre, 34, ng No. 124 Pineapple Road, Barangay Potrero ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa tiyan, likod at mga pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman ang mga suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder na sina Jayson Macquian, 23, kapatid na si Mark Ed; mga pinsan na sina Andrian at Abner Capanalo, pawang mga residente ng Pineapple Road, Barangay Potrero, Malabon City.

Sa report ni SPO1 Jerry Dela Torre, dakong 1:00 ng madaling araw, hiningan ni Calundre si Macquian ng P5 na ikinagalit ng suspek. - Orly L. Barcala

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho