Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na libre para sa lahat ang sakay sa ferry service sa Pasig River ngayong Lunes, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heroes Day.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na simula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi ay libre ang sakay sa mga istasyon ng ferry sa Guadalupe, Makati City, Pinagbuhatan, Pasig City; Escolta, PUP sa Sta. Mesa, Sta. Ana at Plaza Mexico sa Maynila.

Aniya, makatitipid ang mga regular na pasahero ng ferry na nagbabayad ng P30 hanggang P50. - Mitch Arceo
National

Sen. Bato, nakiusap kay PBBM hinggil kay Quiboloy: 'Huwag ninyong isara utak ninyo!'