TRULILI nga kaya na nalaglag sa Final Four ng Pinoy Big Brother All In si Loisa Andalio ng Pasay City dahil hindi nagustuhan ng avid followers ng reality show ang pagsisinungaling niya nang tanungin siya ni Kris Aquino kung totoong may kuto siya?

Sa mga naunang episodes kasi ay ipinakitang may kuto ang bagets, marami rin siyang lisa kaya agad namang ginamot ito.

Nang pumasok ang Queen of All Media sa loob ng PBB House para isa-isa silang interbyuhin at lubos pang maipakilala sa publiko ay nagtanong si Kris kung totoong may kuto si Loisa, dahil nga ito ang nasa research na ipinabasa sa TV host, pero itinanggi iyon ng dalagita.

Nagkaroon lang daw siya ng kuto nu’ng pumasok na siya loob ng PBB House, e, base sa nalaman namin ay maraming lisa sa mahabang buhok ni Loisa kaya tiyak na may kuto na siya bago pa man siya nakapasok sa PBB All In.

National

2 lotto winner mula sa Laguna, kumubra na ng premyo sa PCSO

Kaya doon pa lang ay nag-lie na si Loisa, bagay na hindi nagustuhan ng madlang pipol, di ba, Bossing DMB?

Bukod dito ay napag-usapan din na tamad at reklamador siya tulad ni Joshua na nauna nang natsugi sa PBB.

“Bata pa kasi kaya reklamador, ganu’n ang bagets, maraming gusto, medyo tamad pa, hindi pa sila ganu’n ka-mature magisip,” pagtatanggol ng ilang katoto kay Loisa. “Sana hindi sila isinama sa mga may edad na tulad nina Daniel (Matsunaga) at Vicki (Roushton).”

May katwiran din naman ang mga katoto, pero kaya nga tinawag na ALL IN kasi halu-halo o labu-labo na, at bahala ka na mag-adjust at matuto sa loob ng Bahay ni Kuya.

Anyway, ito raw ang nakaapekto kay Loisa, ang pagsisinungaling. Samantalang nagustuhan naman ng viewers ang pagiging honest nina Jane Oneiza, Mariz Racal, Vickie at Daniel kaya pasok sila sa Final 4.

‘Kaloka, dahil sa kuto, natsugi si Loisa, ha-ha-ha.