Matutuloy ang 2016 national elections ayon sa nakatakda kahit na hindi pa rin nakakapagdesisyon si Pangulong Aquino sa isyu ng term extension o pag—eendorso ng papalit sa kanya, inihayag ng Malacañang noong Biyernes.

Pinabulaanan ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang mga alingasngas ng no-election scenario sa kabila ng matinding debate sa mga isyung politikal, kabilang na ang panukalang ikalawang termino para sa Pangulo.

“The President neither decided on term extension or endorsing a candidate. In both instances, 2016 elections will push through,” saad sa text message ni Lacieda sa mamamahayag. - Genalyn Kabiling

Ina ni Jerlyn Doydora, pinapanagot si Renee Co sa pagkasawi ng anak sa Mindoro: ‘Walang hiya ka’