Muli na namang humakot ang Shell National Youth Active Chess Championship (Shell Active Chess) ng malaking bulto ng manlalaro sa gaganaping huling dalawang Mindanao qualifiers, ang Southern Mindanao leg sa Agosto 30-31 sa SM City sa Davao City.

Ginanap ang Northern Mindanao leg noong nakaraang Agosto 2-3 sa SM City sa Cagayan de Oro City.

Nagpapatuloy ang rehistrasyon para sa Southern Mindanao leg bagamat inaasahan na ang maximum field na 300 na maagang magpapatala na kahalintulad ng nakaraang Davao elims. Ang longest-running at pinakamalaking national youth chessfest ay tradisyon nang umaakit ng malaking bilang ng mga manlalaro sa rehiyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Southern Mindanao leg ay magsisilbing ikalima ng six-stage nationwide circuit, kung saan ang final elims ay kabibilangan ng Northern Luzon sa Setyembre 13-14 sa University of St. Louis sa Tuguegarao.

Ang top two finishers at ang top female player sa bawat leg ang aabante sa grand finals sa Oktubre 11-12 sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Ang Shell Active Chess ay bukas sa non-titled children at young adults kung saan ay susulong ang dalawang kategorya, ang kiddies (edad 7 hanggang 14) at juniors (edad 15 hanggang 20).

Ang naging kakaiba sa seryeng ito sa taon na ito ay ang pagkakataon na mabighay ang female players ng tsansang magningning kontra sa kanilang male counterparts para sa kiddies at juniors sections.

Ang circuit sa taon na ito ay nakatuon sa centennial anniversary ng energy at gas technology leader na Shell sa Pilipinas, bukod pa sa nakatutok sila sa kanilang social investment projects sa youth development sa pamamagitan ng sports at ang arts, dagdag pa ang kanilang maraming advocacies sa aspeto ng road safety, fuel efficiency at environmental management.

Ang Shell Active Chess program partners ay kinabibilangan rin ng Shell FuelSave, Shell Advance, Shell Fuel Oil Plus, Unilever at SM Supermalls, na may basbas ng National Chess Federation of the Philippines.

Para sa pagpapalista at inquiries, mangyaring kontakin si Ronnie Tabudlong sa (0943) 249-0821 o Alex Dinoy sa (0922) 828-8510.