AP– Umatras na ang kasalukuyang kampeon na si Rafael Nadal mula sa U.S. Open dahil sa isang injury sa ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong taon kahapon, at iniwan sina Novak Djokovic at Roger Federer bilang “men to beat” sa huling Grand Slam tournament ng taon.

Inanunsiyo ni Nadal ang kanyang pag-atras, isinisi sa isang hindi pa naghihilom na injured wrist, isang linggo bago ang pag-uumpisa ng mga laro sa Flushing Meadows.

‘’I am sure you understand that it is a very tough moment for me since it is a tournament I love and where I have great memories from fans, the night matches, so many things,’’ ang ipinoste ni Nadal sa kanyang opisyal na Facebook page. ‘’Not much more I can do right now, other than accept the situation and, as always in my case, work hard in order to be able to compete at the highest level once I am back.’’

Ang second-ranked na si Nadal ay naglalaro ng left-handed, ngunit gumagamit siya ng two-handed backhand. Ang 14-time major champion ay nasaktan noong Hulyo 29 habang nagsasanay sa kanyang bayan ng Mallorca bago ang North American hard-court circuit. Kinabukasan, sinabi ni Nadal na kailangan niyang magsuot ng cast sa kanang kamay ng dalawa hanggang tatlong linggo at hindi maglalaro sa mga torneo sa Toronto at Cincinnati.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi rin ng 28-anyos na Spaniard noon na umaasa siyang makababalik para sa U.S. Open.

Sa halip, siya ang ikalawang manlalaro sa Open era na nagsimula noong 1968 na hindi maipagtatanggol ang kanyang titulo sa U.S. Open. Ang iba ay sina Ken Rosewall noong 1971, Pete Sampras noong 2003, at Juan Martin del Potro noong 2010. Hindi rin maglalaro si Del Potro sa U.S. Open ngayong taon matapos sumailalim sa isang wrist surgery noong Marso.

Si Nadal ay 44-8 at may apat na titulo ngayong 2014, kabilang dito ang kanyang rekord na ikasiyam na tropeo sa French Open noong Hunyo. Hindi pa siya muling nakapaglalaro mula nang matalo sa ikaapat na round ng Wimbledon noong Hulyo 1.

Dahil sa pagkaka-sideline ni Nadal, sasamahan ng five-time U.S. Open champion na si Federer si Djokovic bilang paborito sa New York, kahit pa may mga katanungan tungkol sa kanila.

Ipinagdiwang ni Federer ang ika-33 kaarawan nitong buwan, at mahigit dalawang taon na mula nang mapanalunan niya ang kanyang rekord na 17 Grand Slam titles. Ngunit siya ay nanggaling mula sa runner-up finish sa Wimbledon noong nakaraang buwan, at isang hard-court title sa Cincinnati Masters noong Linggo.

Matapos niyang talunin si David Ferrer, 6-3, 1-6, 6-2 noong Linggo, sinabi ni Federer na: “My game’s exactly where I want it to be.”

Napanalunan naman ni Djokovic ang Wimbledon upang agawin ang No. 1 ranking mula kay Nadal, ngunit nahirapan sa hard courts, natalo sa kanyang ikalawang mga laban sa Toronto at Cincinnati.

Sa kabila nito, si Djokovic ay nanatiling No. 1 seed sa U.S. Open at ang third-ranked na si Federer ay inaasahang aangat ng isang seeding sa No. 2 at maghaharap lamang sila kung kapwa silang aabot sa final.

Nakatakda ang draw ng torneo sa Huwebes.